kanina pa lang ako kumuha ng p.e., at grabe, di ko naman masyadong pinangarap payabungin ang dancing skills ko. LOL. social dance ako ngayon (folk dance yung p.e. ko nung summer). feeling ko onting-onti na lang, pang-dancing with the stars na ko... at dapat si papa david ang partner ko! haha! sayang at medyo nasira din ang pangarap namin ni anna na magkapareho ng p.e., table tennis na lang siya. at sa hapon naman ang klase ni kyronn, kaya wala na talaga kaming pag-asa na maka-p.e. siya. haaay...
at ito na ang grabeng kwento...
matagal nang may chinichika samin yung tatay ko na baka pwede kaming magbakasyon sa bohol, at nalaman namin na may 29 to june 3 ito. nung una, di ko pa masyadong sineryoso yung chika, haha. at nung mga nakaraang linggo, medyo kaduda-duda pa rin kung pupunta nga kami. kanina pagkagaling ko ng uste, bigla na lang sinabi sakin na... tuloy nga. at kanina ko lang na-realize na mamayang madaling araw na pala yung flight namin! grabe, pasensya na at masyado kong ginagawa itong big deal. antagal na kasi naming hindi nakakapagbakasyon nung pamilya ko, at ngayon biglang... pupunta pala kami sa bohol! ngeee.
kaya ayun, makakatakas na rin ako sa ambiance ng bahay namin... at least for 4 days. yeah, babalik na kami nila ate macy at mama dito ng june 1, dahil may orientation ng up manila med proper si ate macy ng june 2 (oo grabe, ang sosyal na ngayon ni sister dear, proper na siya!) si papa hanggang june 3 pa rin sa bohol, at magpa-party pa siguro ng bonggang-bongga. haha.
kaya gusto ko rin kunin ang oportunidad na to para mag-sorry at... di ako makakapunta sa avobec bonding. di na nga ako nakapunta sa debut ni trisha, tapos pati dito... grabe. babawi talaga ako sa susunod! :(
hey, alis na pala ko. magiimpake pa ata kami... at sisiguraduhin ko na marami akong dadalhin na pang-alis, pambahay at panty. wooooo!
Kate at
9:06 PM
0 comment(s)
i wish you all the best, mapa acads life o love life pa yan! haha!
grabe, sexy 17 ka na pala ngayon girl!
i love you friend! hehe.
Kate at
7:57 PM
0 comment(s)
may 16 ito, sa MoA open grounds. 8 pm pa yung concert at pinapasok kami nung mga 6 pm pa, pero andun na kami ng mga 4 pm! grabe!
free seating kasi pag gold yung ticket, kaya kailangang makipag-unahan. hehe. magkakasama kaming nanood nila anna at mommy fina (mama niya). at habang nag-aantay, naki-cr na kami sa starbucks, kung saan nakita namin ang ilang members ng archuleta philippines! binigyan nila kami ng mga libreng fan na may very gwapong pagmumukha ni papa archie! haha. salamat sa pamaypay! napilitan din kaming kainin yung mga baon naming wow burger galing sa kfc, dahil bawal magdala ng pagkain sa loob. dapat sa loob raw kami bumili ng pagkain, nge.
mga 6 pm pa kami pinapasok. at grabe, super salamat talaga kay mommy fina at nakakuha kami ng magandang seats sa gold area! hehe. habang nag-aantay, bumili muna kami ng mga pagkain sa loob tulad ng mcdo at italianni's. purgang-purga na rin kami sa minute maid, dahil may free taste test na lumilibot sa lugar! tapos nanood din kami ng bonggang fireworks, at sensya na at wala akong pictures nito. tapos, ito na...
nagdilim na yung mga ilaw. biglang umilaw ng bongga yung stage. may mahabang intro na pinapatugtog na hindi pa rin namin ma-gets... hanggang sa na-realize namin na intro na pala yun ng touch my hand! at shem, lumabas na ang PAPA! grabe ah, tumatalon-talon na pala siya ngayon! ang energetic, haha! medyo malayo pa rin kami sa stage, pero kitang-kita sa big screen ang bawat kilos ng papa at tulo ng pawis niya! sheeem! tili kami ng tili ni anna sa lahat ng kanta niya! minsan nga yung tili namin ay, sorry for the term, parang may nira-rape na or nanganganak eh! basta, ang ingay namin! haha!
kinanta ni papa archie ang mga songs na ito, in order: "touch my hand," "barriers," "a little too not over you," "you can," "my hands," "your eyes don't lie," "to be with you," "don't let go," "waiting for yesterday," "stand by me" na may halong "beautiful girls," "a thousand miles," "angels," "zero gravity," at "crush"! wooow, 14 songs! andami pala! haha! at umiinom siya mula sa kanyang bote ng tubig in between songs! my gosh!!
tapos si david cook naman ang nag-perform! hindi ako masyadong familiar sa lahat ng kanta niya, pero alam ko kinanta niya yung "always be my baby," "light on," at ang kantang kinababaliwan ko ngayon, "come back to me"! hehe. ang galing din niya! di nga lang kami masyadong naka-sing along ni anna dahil hindi talaga kami familiar dun sa mga ibang kanta. ngek. pero nag-enjoy naman kami, at todo cheer kami kay cookie! haha. grabe ang swerte nung mga nasa titanium (unahan)! nung isang beses, lumapit si cookie sa ilang fans sa crowd at kinuha niya yung camera nila para mag-take ng pics! sheeem!
sa huling kanta ni cookie, yung "a daily anthem," lumabas uli si archie at parehas nilang kinanta yung ending nung song! lahat kami ay sobrang nag-wave na ng mga kamay! haha! tapos nagyakapan sila sandali at nagpasalamat sa fans, at sa isang iglap ay naglaho na sila sa stage.
sobrang hindi pa rin kami maka-get over ni anna nung pauwi na kami! haha. pinanood namin uli lahat ng videos. mommy fina, sorry nga pala at medyo nabingi po ata kayo sa mga tili ko. hehe.
may 16 = the best day ever! grabe! ito pala ang first major concert na pinanood namin ni anna! haha! at feeling ko talaga wala na ring ibang concert in the future na makakatalo sa pagka-bongga nito!
hinding-hindi namin malilimutan yung araw na to. MARAMING SALAMAT PO, ARCHIE AND COOKIE! :)
Kate at
3:03 PM
0 comment(s)
buti na lang at hanggang 2:30 lang yung klase ko sa uste, haha. doon kami nagkita ni anna, at inayos uli namin yung "offering" namin bago kami nag-fx at jeep papuntang MoA. grabe! mga 4 pm na kami nakarating, at nung papasok na kami sa bonggang "tagpuan", nalaman namin na hindi kami pwedeng pumasok hangga't hindi kami bumibili nung isang set ng green bags ng sm na worth php 140! grabe sm talaga o! pero dahil nga sa matinding pag-ibig namin, pinatulan na namin yung green bags! may kasama namang free poster eh, na medyo nalukot pala namin later on, haha!
andun na kami sa loob ng sagradong "tagpuan". sinubukan na lang chumika nung announcers kahit alam nilang hindi na kami mapakali sa kakaantay. nalaman namin na wala palang autograph session, pero mga 30 mins naman daw si papa david sa stage, so pwede raw kaming mag-picture at video to sawa. pumuwesto kami ni anna sa may red carpet, at akala namin ay doon siya dadaan. hindi pala, haha...
DUMATING NA SI PAPA DAVID! at ang banal na daan niya ay mula pala sa backstage! grabe, nakaranas kami ng matinding siksikan, pero bahala na! haha. nagpasalamat siya sa lahat ng filipino fans and stuff, sorry at di ko na rin masyadong narinig. grabe ang tilian naming mga girlaloo eh! pero may naaalala akong isang kilig moment...
announcer: do you know any filipino words?
david: mahal kita. salamat po! (at sabay-sabay napunit ang damit ng mga people)
nung mukhang paalis na siya, ang iniisip na namin ni anna ay kung paano namin maibibigay yung regalo namin. oh no...
nung paalis na nga si papa david, sinabi nung announcers na habulin daw namin! at grabe, na-test nga ang running skills namin! andami ko pa namang dala dahil nga may pasok ako. ouch. pumasok si papa david sa lugar ng mga cr, kung saan may secret passageway/door pala sa dulo. ni-lock yung malaking pinto papunta sa lugar ng mga cr, kaya hindi na kami nakalapit. tatakbo na kami palabas ng MoA, nung natanggal yung isang tsinelas ko! medyo hinanap ko muna, tapos tumakbo na kami.
nauna na si anna, at naabutan niya ang van ni jomari yllana... ang producer nung concert! hindi ko na nakita yung nangyari, pero ito ang grabeng kwento sakin ni anna: isasarado na yung pinto nung van nang biglang humarang yung kamay ni anna! ang una niyang nakita ay si jomari, at sinabi niya, "jomari, please give this to david!" (sabay abot nung regalo namin) kinuha naman ito ni jomari at umalis na.
yeah pips, nabigay namin ang bonggang "offering"! and hanggang ngayon, nagpapasalamat ako kay anna donato para doon. ang galing mo talaga girl!! :)
grabe, akala namin mga 30 mins nga si papa david doon, pero wala pa nga atang 10 mins eh! tapos ayun, feeling rin namin na nagsimula na kaming mag-develop ng isang funky-smelling na JABAR. haha! pero ayos lang, basta nasilayan namin ang maputi at flawless na imahe ng papa!
bumili muna si anna ng sabon, kasi naubos na ata niya yung bar ng sabon nila nung umaga! haha. tapos nag-jammin' jamaica kami. hindi naubos ni anna yung jamaican patty niya, at pinilit ko na lang ubusin yung akin. busog na busog na kami eh, di ba donats? HAHA! tapos grabe rin pala yung mrt adventure namin pauwi! di naman kami masyadong nalito, haha.
nakakapagod, but it was all worth it. :)
tapos ito pa pips! NATANGGAP NGA NI DAVID ANG MUNTING OFFERING NAMIN! nagtanong kasi si anna sa letter niya kung ano yung totoong favorite color ni david, tapos grabe, nireplyan siya gamit ang twitter! may proof ako, tingnan niyo itong twitter account ni papa david: http://twitter.com/davidarchie
grabe, MISSION ACCOMPLISHED. :D
Kate at
2:55 PM
0 comment(s)
kaya doon niyo na lang din tingnan yung pics. hehe.
dito nagsisimula ang pagdo-document ko ng grabeng paghahanda namin ni anna for the coming of, yes... DAVID ARCHULETA! di naman kami masyadong adik, promise. :))
simula noong american idol last year, naloka kami kaagad ni anna sa nakakatunaw na boses at kagwapuhan ni papa david! sobrang naging adik kami to the point na halos si papa david na lang ang pinag-uusapan namin, at lagi kaming updated sa mga latest archie pics, videos, chika at kung anu-ano pa!
pinangarap din nami na balang araw, makikita namin ang totoo at sagradong imahe ng papa... at sa wakas, matutupad na! naloka ako nung chinika ni anna sakin ang upcoming concert nila david cook at david archuleta dito sa pinas! sa may 16 pala yung concert, at sa MoA gaganapin. bumili kaagad sila anna at mommy fina (mama niya) ng gold tickets! medyo may kapalit nga lang ang ticket ni anna... siya ang taga-hugas ng plato sa bahay nila for 1 month! ako naman, medyo... dumanas muna ng tag-gutom noong summer classes, haha. as in hindi ko masyadong ginastos yung allowance ko araw-araw. sa huli, nakabili na rin ako ng gold ticket!
may 12, nung umaga ata yun, nakatanggap ako ng text kay anna tungkol sa, grabe... meet and greet david archuleta sa MoA! nagwala talaga ako, kahit may klase pa ako nung mga oras na yun, haha. sa may 13 na pala yun, as in the very next day! kaya grabe, sumugod kami kaagad ni anna sa sm north noong gabi para paghandaan ang aming "offering":
1. picture namin. para makilala ng papa ang mga disipulo niya!
2. bracelet na native. galing sa kultura filipino. yung nag-eexpand pag inilagay sa tubig.
3. letters namin ni anna. at medyo kalait-lait yung presentation nung akin!
4. THE ULTIMATE GIFT. ang obra maestra! the magnum opus! the cherry on top... echos echos! ito ay... yellow-colored BOXERS na may picture niya. haha!
tapos nagpa-print na rin kami ng medyo malaking pics, just in case na may autograph session.
Kate at
2:49 PM
0 comment(s)
grabe talaga, gising na ko ng mga 6am. since nung nagbakasyon, di na ko sanay na gumising ng ganung kaaga eh. haha. pagkatapos kong maligo at lahat, inantay ko muna yung nanay ko na umuwi. siya kasi yung maghahatid sakin sa uste. mga 8:30 na siya nakauwi. aalis na sana kami, eh kaso nakatanggap ako ng text sa iba na hindi pa raw naka-post yung list. kaya pa-easy easy muna kami. mga 9 kami umalis, tapos marami muna kaming pinuntahan. sa huli, nag-breakfast kami sa jollibee... at nagkaroon na naman ako ng very bobonic moment. haha. pumarada kasi kami malapit dun sa "drive thru" na karatula ng jollibee, at andun pa naman yung karatula sa side ko. nung pagbaba ko, di ko nakita yung karatula... and TUGSH! nakipag-head on ako dun sa drive thru sign! di ata nakita ni mama, kasi nauna akong bumaba sa kanya. kaya nagulat na lang siya nung nakita niya kong parang nahihilo na ewan. hahaha! nagkaroon nga pala ako ng bukol sa noo, pero at least hindi na masyadong halata nung pagdating ko sa uste. :))
mga 10 na ata ako nakarating sa labas ng building namin. andun na yung ilan sa mga kaibigan ko, so nag-chika moments na lang muna kami. sabi nila baka mga 1pm pa raw ipo-post yung listahan, kaya nag-tanghalian muna kami sa kfc at tumambay pa kami kung saan-saan.
nung mga 1 na, wala pa rin. tapos biglang sinabi na lang na mga 4 pa maipo-post yung list. grabe naman. tumambay kami ng kaytagal-tagal sa catwalk (yung lakaran sa labas ng building namin), at sobrang nainip na kami sa kakaantay. nakatikim na ko ng avocado shake, at kumain na kami ng bonggang-bongga sa 7 eleven nung mga kaibigan ko... wala pa rin! pumasok na kami dun sa building, kung saan dumarami na yung mga tao.
nung mga lampas 4, mga 4:15 siguro, pini-print na yung list. pinost nila dun sa 2nd floor, at grabe! parang may stampede lang ah! as in tulak ng tulak yung mga tao. kung anu-anong odor na rin ata yung naamoy ko, pero ok lang, kasi feeling ko namamaho na rin ako. hahaha! natatawa lang ako nung isang beses na parang nangamoy jebs... may nagpasabog pa ata ng lagim! hahaha! joke. at nung nakita ko yung pangalan ko, agad-agad na kong umalis. pagdating naman sa 1st floor, may isa pa palang mahabang pila para dun sa confirmation na yun. ayun, pumirma kami at may binigay na listahan ng mga chorva na kailangang dalhin sa june. nag-quickly pa pala kami nung ilan sa mga kaibigan ko pagkatapos, at mga 7pm na ko nakauwi.
grabe nung pag-uwi, may topak na naman yung dsl namin! tapos susunduin namin yung ate ko sa lrt sa may monumento. medyo pinilit ko muna yung parents ko na pumunta muna kami sa computer shop, at ayun... nakita ko na yung grades ko.
matino ba? um... not so. pero pwede na ba? uh... basta, anlaki ng binaba ko. but the funny thing is, hindi ako naiiyak. marami akong pagkukulang this past sem, maraming oras na pinayagan ko ang sarili ko na ma-distract, at, at, to be honest... tinamad ako. medyo baligtad talaga ako kumilos eh. kung kailan humihirap ang mga bagay-bagay, dun ako usually inaatake ng katamaran. haaay, oh well.
pero ayun... i survived the cut-off! congrats din sa mga iba diyan, lalo na ang ReKub! hehe. we did it pips!
Kate at
12:51 PM
0 comment(s)
andami nang nangyari. parang ang hirap ilagay sa iisang post. pero sige, chichika na lang ako tungkol sa kahit ano...
nung march 20 pa natapos yung classes namin, kaso may summer classes kami. kaya balik-aral din ako sa april 13. haaay. nung una, akala ko medyo maikli ang 3 weeks na bakasyon, pero ang hirap din pala ng buhay na nakatambay ka lang sa bahay at wala ka namang maisip na pampalipas-oras. sinubukan kong manood ng tv, pero wala talagang maganda. at para bang pag may nasimulan na ko na isang movie o palabas sa tv, tinitigil ko kaagad. di na ko masyadong mahilig manood e, at hindi dahil loveless o bitter ako ah! haha.
looking back naman sa first year ko sa uste nursing, masasabi ko na hindi ako masyadong nag-enjoy in the sense that puro aral na lang talaga ang inatupag namin. minsan gusto kong mag-relax lang, pero para bang pag alam mo na nag-aaral na yung ibang mga kaklase mo, mapipilitan ka na ring mag-aral. hahaha. ang goal talaga ng lahat ay makapasa at makapasok sa second year, kasi may cut-off nga kami. bwiset na cut-off, sino ba kasi ang nag-imbento ng ganitong sistema?!
pero teka, di rin naman kami puro aral, lalo na tuwing friday. nagkaroon kami nung mga kaibigan ko ng bagong hilig - videoke. tuwing friday ng mga 12 nn, pumupunta kami sa sm san lazaro para mag-videoke, dahil mga 2:30 pa naman yung susunod na klase namin. usually mga 8 kami: ako, isa, kea, tin-tin, christon, carl (mga rekadoz ), at si lyn at jacq (mga kubyertoz). dapat 10 kami, kaso di nakakasama si cathy at ayaw namang sumama ni marionne. so may videoke sessions talaga kami, at puro bitter yung mga kanta! haha. sawing-sawi raw e, lalo na ako at si kea. hahaha.
grabe, mamimiss ko talaga yung mga ganung bonding namin. di ko na magiging kaklase yung mga rekadoz, pero at least kaklase ko pa rin ang kubyertoz (lyn, jacq at marionne).
oo nga pala, pag pinagsama yung mga grupo namin, ReKub yan! hehe. at ayun, kahit magkakaiba na kami ng sections, sana makahanap pa rin kami ng paraan para makapag-bonding. sana matino yung mga sched namin.
pagdating naman dun sa buong klase, ang I-1, marami talaga akong mamimiss dun. kasi sa labas ng group ko, marami rin naman akong naging kaibigan sa klase. at kahit di ko man naging ka-close lahat, hindi ko maiiwasang isipin na nakasama ko silang lahat na dumanas ng hirap at ginhawa. pag walang prof, pag nakakatikim kami ng pagkapanalo (ex. nanalo kami sa sabayang pagbigkas) at pag biglang may mag-joke tungkol sa kung anuman, kasama ko silang sumigaw sa tuwa. at pag may quiz na naman sa mga terror subjects tulad ng chem at anaphy, kasama ko rin silang sumimangot. lahat ng klase ng hirap nung first year na naiisip ko ngayon... hindi ko na siguro nakayanan lahat nun kung walang mga I-1 diyan na karamay ko.
in short, mamimiss ko rin ang buong I-1.
p.s. namimiss ko na rin ang avobec at bbs! :'(
Kate at
2:13 PM
0 comment(s)
nagpapasalamat ako sa lahat ng dumadaan pa rin dito. tingnan niyo nga naman, di na uli ako nakapag-post mula nang mag-resume ang classes.
at humihingi ako ng paumanhin for what i am about to say...
friends, bumalik ako dito para sabihin sa inyo na... paalam muna. yeah, sa ngayon lang naman. ang nagdala sakin na gumawa ng ganitong desisyon ay ang mga pangyayari nung mga nakaraang araw lang. oo, acads-related to, at ayoko nang mag-expound pa.
hindi ko alam kung kailan uli ako makakabalik dito, pero babalik din ako pag handa na ko... pag napatunayan ko na sa sarili ko na kaya ko nang i-balanse ang oras ko.
alam kong hindi ko na muna kayang buhayin si kate kalabaw. ang sakit, pero kailangan ko muna siyang i-sakripisyo.
friends, paalam muna.
Kate at
8:08 PM
0 comment(s)
wala naman masyadong nangyari. gumawa lang ako ng mga assign, at ilang araw ko nang pinagkakaabalahan ang mga ito. grabe naman kasi magpabaon ng gawain ang mga prof pag bakasyon! nawawala tuloy ang true essence ng salitang bakasyon.
ay nung sabado, pumunta nga pala ako sa birthday party ni regsh! hehe. tinext ako ni armina nung umaga. nung una medyo pinag-isipan ko muna kung pupunta ako, kasi may mga gawain pa ako. pero naisip ko na baka matagal na naman akong hindi makasama sa mga gathering, kaya ayun. hehe. nagkita muna kami nila armina, pau at renie sa sm north para bumili ng regalo kay regsh. nakabili kami ng cute na shorts sa artwork, at sando sa y.r.y.s. maya maya kasama na rin namin sila hebs at rene, tapos pumunta na kami sa bahay ni regsh. hehe. ang saya, nagchikahan kami at oo, kumain kami ng marami! ang sarap nung mga handa, at si mr. manuel pala ang nagluto ng lahat. ang galing naman ni mr. manuel! haha. dumating din sila alain, austin, jhobs at orlie (na sobrang HOTTIE nga pala. haha!). nag-overnight at nag-inuman ata silang lahat maliban na lang sakin at kela renie, hebs at rene. kainis nga e, ang aga kong umalis. na-excite ata sila mama at papa na sunduin ako. nge. pero wala lang, ang saya talaga na makita ang ilan sa mga friends ko uli. :)
advanced happy birthday regsh! sa 7 ang birthday niya. hehe.
palagi ko na nga palang kasama ang pamilya ko. hehe. naglibot-libot kami kanina sa circle c. tapos nakapanood din kami ng memoirs of a geisha kani-kanila lang. haha. sa wakas, alam ko rin na ang storya nung movie na yun! dati kasi sinubukan ko nang panoorin yun, pero natigil dahil sa isang rason na hindi ko na maalala. haha. at lalo lang akong na-curious nung last weeks ng kisay life, nung nakikita ko si calee na nagbabasa nung very makapal na novel ng memoirs of a geisha! hehe.
at friends, alam niyo na kung sino kayo, sorry talaga at hindi ko na kayo nakausap ng matagal noong bakasyon. paano ako makakabawi sa inyo? :(
kung kailan man kayo libre, kulitin niyo na ako!
college life resumes in 4 hours. haaay. eto na naman ang kahirapan...
Kate at
3:00 AM
0 comment(s)
3/28/09
hindi ko na talaga alam kung anong sasabihin ko. dati palagi akong nag-uupdate dito, tapos biglang bumigay na lang ako. haaay. may karapatan pa nga ba akong magkaroon ng blog?
in case na matopak akong mag-post, hindi ko isasara tong blog ko. pero minsan-minsan na lang siguro ako makakapag-update. sorry.
ako si kate, isang mababang uri ng tao. 17 yrs old na
ako, kaya minor pa rin ako sa ngayon. haha. ako ay nag-aaral sa
unibersidad ng santo tomas, at nursing ang kurso ko. mahilig ako
sa brown, purple, fried chicken,
nagaraya at coke zero. matagal nang tapos ang season 7 ng american
idol, pero sinasamba ko pa rin si PAPA DAVID
ARCHULETA na isang napakagaling na runner-up doon. sabi ng
iba tahimik daw ako. pero promise pips, hindi na ngayon. marami na akong naging crush, at masasabi ko ngayon na talagang maipagmamalaki ko sila. :)
anna
anna.
anna..
armina
ate cherry
ate macy
ate macy.
ate marj
ate melai
ate ruphy
audrey
ayiene
calee
carla
claudette
claudia
hebs.
ina
ina.
iya
jessa
karl
khay
koko
koko.
kuya paul
livi
maci
mariel
mark
michaia
michaia.
monique
shara
yza
February 2005
March 2005
April 2005
December 2005
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
July 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
yeah, version FOURRR na to! haha. click niyo na lang yung ibang versions sa ibaba. :)
version 1.
version 2.
version 3.